Ask Question
14 March, 21:06

Uri ng maikling kwento

+5
Answers (1)
  1. 14 March, 21:17
    0
    May siyam na uri ng maikling kuwento:

    1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. 2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

    3. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. 4. Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan. 5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

    6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

    7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

    8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.

    9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.
Know the Answer?
Not Sure About the Answer?
Find an answer to your question 👍 “Uri ng maikling kwento ...” in 📗 Geography if the answers seem to be not correct or there’s no answer. Try a smart search to find answers to similar questions.
Search for Other Answers